Nais ng lokal na pamahalaan ng Lubang, Occidental Mindoro na maisailalim sa dalawang linggong lockdown ang kanilang lugar dahil sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19.
Napasok na rin kasi ng mas nakakahawang delta variant ang naturang bayan.
Bukod dito, naantala rin ang pagbabakuna sa lugar dahil naka-quarantine ang kanilang mga health personnel.
Sa ngayon ay nagsasagawa sila ng agresibong community testing upang mabilis na matukoy at ma-isolate ang mga positibo sa virus.
Naniniwala naman ang Department Of Health na posibleng bumaba na rin ang bilang ng mga may sakit sa lugar sa mga susunod na linggo.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico