Nanawagan ang OCTA Research Group sa gobyerno na magpatupad ng dalawang linggong lockdown dahil sa banta ng Delta variant.
Ayon kay Ranjit Rye ng OCTA Research, hindi sapat ang pagpapatupad ng General Community Quarantine with heightened restrictions sa NCR dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Giit ni Rye hindi maiiwasang hindi mag-lockdown dahil sa banta ng Delta variant kaya mas mabuting gawin na ito nang mas maaga.
Mas magiging pabor din umano sa ekonomiya ng bansa kung maaga pa lang ay magpapatupad na ng lockdown.