Nakatulong ng malaki ang dalawang linggong pagsailalim muli sa Metro Manila sa MECQ para bumaba ang infection rate ng COVID-19.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Prof. Guido David ng UP OCTA Research Team dahil may koneksyon ang paG-flatten ng COVID-19 curve sa pagpapairal ng MECQ.
Sinabi ni David na mula 1.5 noong Agosto ay bumaba sa 0.94 ngayong Setyembre ang reproduction number ng COVID-19 cases sa NCR.
Nilinaw ni David na kapag na-flatten na ang curve hindi ito nangangahulugang wala nang kaso ng virus.
Sa pagtaya ng UP research team sa katapusan ng Setyembre ay posibleng nasa 310 o 330,000 na ang COVID-19 cases sa bansa.
Hindi ibig sabihin na kumokonti ngayon, na nagpa-flatten na wala tayong problema, ibig sabihin lang n’yan nagsisimula palang yung proseso matagal pa ‘yan bago kumonti yung bilang na manageable, so mga 2 months, 3 months in-anticipate natin yung ginagawa natin pero ang magandang balita dyan nasa tamang direksyon na tayo, hindi na tayo pataas ng kaso,” ani David. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas.