Gumulong na simula ngayong araw na ito ang dalawang linggong joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Kinumpirma ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Cirilito Sobejana na nagsabing kakaiba ang Philippine-US Balikatan Exercises sa mga nakalipas na hakbangin dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic kung saan mayroong virtual portion at physical contact subalit minimal lamang.
Ayon kay Sobejana, kasali sa 2021 Balikatan Exercises ang 700 sundalong Amerikano at 1,000 namang mga sundalong Pilipino.
Isang simpleng seremonya lamang ang isinagawa sa Canopy ng Camp Aguinaldo at walang imbitadong media dahil na rin sa social distancing protocol.