Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, ang isang LPA ay nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) habang ang isa ay nasa labas pa.
Huling namataan ang LPA na nasa loob ng PAR sa layong 860 kilometro silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Nararamdaman na ang kaulapan nito sa northeaster portion ng Mindanao.
Gayunman malabo umano ito na maging isang bagyo.
Huli naman natamaan ang LPA na nasa labas ng PAR sa layong 2,670 kilometro silangan ng Davao City.
Inaasahang papasok ito ng bansa sa Lunes, Disyembre 23 o Martes, Disyembre 24.
Malaki naman umano ang tyansa nito na maging isang ganap na bagyo.