2 low-pressure areas ang kasalukuyang binabantayan ng PAGASA na nasa loob ng bansa.
Ayon sa state weather agency, ang LPA sa Eastern Visayas ay huling namataan na nasa bisinidad ng Santa Rita, Samar ngunit inaasahang malulusaw ito habang tinatahak ang Visayas.
Ang isa pang namumuong sama ng panahon o LPA na nasa bahagi naman ng Sulu Sea ay binabaybay ngayon ang karagatang sakop ng Hadji Muhtamad, Basilan.
Ang nasabing weather disturbance ay posibleng maging tropical depression sa susunod na 48 hours.
Dahil dito, inaasahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Zamboanga Peninsula, Quezon, Tawi-Tawi, Basilan, at Sulu.