Dalawang low pressure area o LPA ang binabantayan ng Philippine Atmopheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa bahagi ng West Philippine Sea at Pacific Ocean.
Ayon sa PAGASA una nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang sama ng panahon sa bahagi ng West Philippine Sea.
Inaasahang malulusaw na rin ito sa mga susunod na araw.
Habang namataan naman sa layong isang libo dalawang daan at siyamnaput limang (1,295) kilometro silangan ng Aparri Cagayan ang isa pang LPA na pumasok sa loob ng PAR kahapon.
Malaki ang posibilidad na maging ganap itong bagyo pero wala na itong magiging direktang epekto sa bansa.
Dahil dito, inaasahang magiging maaliwalas ang panahon sa buong bansa maliban na lamang sa mga kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat na posibleng maranasan sa hapon o gabi.
—-