Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob at labas ng bansa.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang isang LPA na nasa loob ng bansa sa layong 150 kilometro hilaga hilagang-kanluran ng Laoag city.
Maliit naman ang tiyansang tuluyan itong maging bagyo bagama’t maaari itong magdulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
Samantala, inaasahan namang papasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng umaga ang isa pang binabantayang sama ng panahon sa labas ng bansa.
Huling namataan ito sa layong 1,265kilometro Silangan ng Mindanao.
Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng malusaw na ang nasabing LPA habang papalapit ng Mindanao.