Bumungad ang malalakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila.
Ito’y ayon sa PAGASA ay dahil sa dalawang Low Pressure Area (LPA) na kanilang binabantayan sa magkabilang dako ng bansa.
Namataan ng weather bureau ang unang Lpa sa layong 95 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar.
Habang nasa 55 kilometro kanluran, timog – kanluran ng Puerto Princesa City sa Palawan naman ang ikalawang sama ng panahon.
Bagama’t may mababang tsansa na maging ganap na bagyo ang mga nasabing sama ng panahon, maghahatid naman ito ng malawak na pag-ulan sa maraming lugar sa bansa.
Bukod kasi sa mga nabanggit na sama ng panahon, umiiral din sa bansa ang hanging amihan o Northeast Monsoon at tail end of a cold front.