Dalawang Low Pressure Area ang namataan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Ayon sa PAGASA, nasa layong 190 kilometro kanluran timog-kanluran ng Basco, Batanes at nasa layong 465 kilometro naman ang isa pang LPA sa Guian, Eastern Samar.
Dahil dito, asahan ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-uulan at thunderstorm sa Eastern Visayas, Caraga, Batanes at Babuyan Island.
Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Asahan naman ang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may isolated rainshower sanhi naman ng localized thundestorm.—sa panulat ni Rex Espiritu