Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ngayon ng PAGASA.
Ayon sa PAGASA, kapwa pinapalakas nito ang hanging Habagat na inaasahang magpapaulan pa sa malaking bahagi ng bansa.
Huling namataan ang unang LPA sa mahigit 600km Hilaga ng Extreme Northern Luzon habang ang namataang tropical depression ay nasa mahigit 900km Kanluran ng Extreme Northern Luzon.
Hindi naman inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang naturang tropical depression.