May binabantayang dalawang Low Pressurea Area (LPA) sa labas ng PAR o Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang isang LPA ay natukoy sa layong 500 kilometro samantalang ang isa ay nasa 2,000 kilometro pa ang distansya mula sa PAR.
Sakaling matuloy ang pagpasok sa PAR ng mga naturang LPA at maging bagyo, tatawagin ang mga itong Egay at Falcon.
Inaasahang may papasok na bagyo sa bansa sa July 5 o 6.
Samantala, tatlo hanggang limang bagyo ang posibleng pumasok sa bansa sa susunod na buwan.
By Judith Larino