Nagdeklara na ng state of calamity ang bayan ng Laoag at Vintar dahil sa pinsala ng Bagyong Ineng kahapon.
Nakaranas ang bayan ng Vintar ng mga pagbaha na lumunod sa mahigit 100 hayop, mga nasirang tulay at mga stranded na residente sa isang barangay.
Dalawa naman ang patay sa Laoag City dahil sa matinding pagbaha at mga landslides.
Ayon sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 109 barangay ang lubog sa baha kung saan 4,000 pamilya ang apektado.
Samantala, ilang kalsada at tulay parin ang hindi madaanan dahil sa pinsalang dulot ng bagyo.