Inaasahan ng United Sugar Producer Federation of the Philippines (UNIFED) na maaabot nila ang two million mark sa produksyon ng asukal.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Manuel Lamata, National President ng UNIFED, na ito ay kung hindi tatamaan ng bagyo ang bansa sa loob ng walong buwan.
Dagdag pa ni Lamata na bukod sa bagyo, nakakaapekto rin ang pagbabago sa presyo ng asukal at petrolyo sa produksyon nito.
Maliban dito, sinabi rin ni Lamata na mararamdaman naman aniya ang pagbaba ng presyo ng asukal sa Oktubre. – sa panulat ni Hannah Oledan