Inihatid na sa cold storage facility ng Pharmaserv sa Marikina City ang dalawang milyong doses ng anti-COVID 19 vaccine na Sinovac.
Ito’y makaraang dumating na sa bansa kaninang umaga ang mga naturang bakuna na binili ng pamahalaan sa bansang Tsina.
Personal na sinalubong ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez ang mga dumating na bakuna.
Kasama ang iba pang mga opisyal ng task force tulad ni Dr. Teodoro Herbosa Jr at Dir. Ariel Valencia ng Department of Health.
Pasado ala siete kaninang umaga nang lumapag ang Philippine Airlines Flight PR-361 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)