Tinatayang 2 milyong doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine ang nakatakdang i-donate ng pilipinas sa myanmar sa katapusan ng Hunyo o unang linggo ng Hulyo.
Ayon kay National Vaccination Operations Center Chairperson at DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, nakikipag-ugnayan na sila sa gobyerno ng myanmar para sa pag-de-deliver ng mga bakuna.
Idodonate anya ang mga bakuna sa pamamagitan Myanmar Red Cross.
Tiniyak naman ni Cabotaje na kahit mag-donate ang Pilipinas ay sapat pa rin ang mga bakunang maiiwan sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.
Magugunitang inihayag ni National Task Force Against COVID-19 adviser, Dr. Ted Herbosa na nasa tatlong milyong vaccine doses ang i-dodonate sa ilang bansa sa Southeast Asia gaya ng Laos, Cambodia at Myanmar.