Patay ang dalawang guro ng Kabul University sa pagsabog ng bomba sa Afghanistan.
Batay sa ulat, nakakabit ang bomba sa kanilang sasakyan at sumabog ito nang kanila nang paandarin.
Kabilang umano ang dalawang guro sa Islamic studies faculty ng nabanggit ng unibersidad.
Sa ngayon ay wala pang grupong umaakong responsable sa naganap na pagsabog.