Patay ang dalawang magkapatid sa sumiklab na sunog sa isang barangay sa Quezon City.
Ito ang kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung saan, tinukoy ang mga nasawi na isang 20-taong gulang na babae, at kanyang 10-taong gulang na nakababatang kapatid.
Batay sa inisyal na imbestigaston ng BFP, nagsimula ang sunog sa hagdanan ng isang bahay sa Matahimik Street sa Barangay Malaya kaninang bago mag-alas-6 ng umaga.
Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang pinagmulan ng naturang sunog.