Muling nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng dalawang mahinang pagsabog sa Bulkang Taal.
Sa panayam ng DWIZ kay Phivolcs Director Renato Solidum Jr., naitala ang mga ito kaninang alas-4:34 at alas-5:04 ng madaling araw.
Aniya, mayroong taas na 400 hanggang 800 metro ang lumabas na plume o usok sa bunganga ng bulkan.
Sa kabuuan, aabot sa 66 na explosion ang naitala ng PHIVOLCS kahapon, March 26.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles