Dalawang maituturing na major changes ang ginawa ng joint review committee sa aspeto ng exclusions sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Kabilang dito, ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete ang paglalagay ng exclusions sa apat na benepisyong nasa ilalim ng nasabing batas.
Nabigyan din aniya ng malinaw na kahulugan ang heinous crimes sa ginawang pagrepaso sa nasabing batas batay na rin sa naging pakahulugan dito ng Korte Suprema.
Each of those benefits mailagay naten yong exclusions, of course in some benefits may additional exclusions for example yong sa CTI, 6 yung exlusions doon. Kasi yon din yoong nakasaad sa batas. Apart from the general exclusions na yon dine-fine din yung what constitutes heinous crimes. So, hiniram ng joint review committee yong definition sa RA 7659 at sinabe din nya na yung heinous crimes na declared ng Supreme Court with also be considered as heinous crimes under their implementing rules and regulations,” ani Perete. — sa panayam ng Ratsada Balita