Pinagpapaliwanag ni CPP – NPA – NDF o Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front Founding Chairman Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit tila pinapaalis na nito sa kaniyang gabinete ang mga makakaliwa at progresibong miyembro nito.
Reaksyon ito ni Sison kasunod ng pagkakabasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kay dating DSWD o Department of Social Welfare and Development Secretay Judy Taguiwalo.
Ayon kay Sison, mas maigi aniyang makita ng publiko kung bakit binabasura ng mga tiwali at walang kuwentang pulitiko ang mga mabubuting lingkod bayan tulad ni Taguiwalo.
Kasunod nito, pinayuhan naman ni Sison sina Agrarian Reform Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano at Anti-Poverty Commission Chief Secretary Liza Maza na huwag lisanin ang administrasyon at huwag magbitiw sa puwesto.