Nanganganib na magpakawala ng tubig ang dalawa sa pinakamalaking dam sa lalawigan ng Benguet.
Batay sa monitoring ng dam operating managing agencies, .10 meters na lamang ay maaabot na ng Ambuklao dam ang 752 meters na normal high water level nito.
Samantala, .27 meters na lamang ay nasa kahalintulad na lebel na rin ang tubig sa Binga dam.
Binabantayan na ng awtoridad ang dalawang (2) dams lalo na ngayong opisyal nang idineklara ang panahon ng tag-ulan.
Aagos sa mga irigasyon ng Region 1 ang tubig na magmumula sa dalawang (2) dams subalit karaniwang umaapaw ang tubig at napupunta sa mga sakahan at kung minsan ay hanggang sa kabahayan.
By Len Aguirre
2 malaking dam sa bansa binabantayan sa pagsisimula ng tag-ulan was last modified: June 1st, 2017 by DWIZ 882