Nakalabas na ng North Korea ang dalawang Malaysian nationals na empleyado ng United Nations.
Ipinabatid ito ng Spokesman ng UN WFP o World Food Programme bagamat nakikipag-negosasyon pa ang Malaysian government para maalis ang travel ban sa siyam (9) na nationals nito na stranded pa sa Nokor.
Pinipigilan ng NoKor ang mga naturang Malaysian nationals sa gitna na rin nang pagtaas ng tensyon kaugnay sa imbestigasyon sa pagkakapaslang sa half brother ni NoKor leader Kim Jong Un na si Kim Jong Nam sa Kuala Lumpur.
Ang siyam na Malaysian nationals ay nasa embahada sa Pyongyang.
By Judith Larino