Bumulusok sa karagatan ng Los Angeles Harbor ang dalawang maliit na eroplanong nagsalpukan habang nasa ere.
Ayon sa US Coast Guard, naganap ang aksidente kaninang ala-7:30 ng umaga, oras dito sa Pilipinas.
Wala pa umanong napuulat na nakaligtas mula sa dalawang eroplano.
Rumepsonde na sa karagatan ang dalawang dosenang rescue divers at ang mga bangka ng Gire Bureau at Lifeguard.
Dahil, mag aalas-8:30 ng gabi na ngayon sa Los Angeles, nagiging pahirapan ang pag-rescue.
Hinihinalang lumubog ang mga eroplano sa lalim na 30 metro.
By Jonathan Andal
*Photo Credit: yahoo news/ AP