Pinatawan ng tatlong taong pagkakakulong ang dalawang TV journalist sa bansang Belarus matapos iulat ang nagaganap na malawakang kilos protesta sa bansa noong 2020 .
Ito ay kaugnay sa live report na isinagawa ng dalawang mamamahayag habang nagaganap ang mass protest ukol sa pagkapanalo ni President Alexander Lukashenko sa eleksyon noong Agosto laban kay Sviatlana Tsikhanouskaya na anila’y lutong laban.
Base sa kaso nina Yekaterina Andreeva at Darya Chultsova , reporter at camerawoman, nakipagkoordinasyon ang dalawang mamamahayag upang magwelga ang taong bayan sa pamamagitan ng live reports, na pinabulaanan naman ng dalawa.
Kaugnay nito, umapela ang The New York-based Committee to Protect Journalists na pakawalan sina Andreeva at Chultsova at nanawagang itigil ang ganitong klase ng panggigipit sa mga mamamahayag dahil lamang sa pagbabalita ng mahalagang political events.— sa panulat ni Agustina Nolasco