Dalawang mambabatas ang nagpahayag na i-waive ang kanilang tinatamasang immunity dahil sa protocol plates ng kanilang mga kotse.
Ayon kina Congressmen Samuel Pagdilao at Winston Castelo, payag sila na hindi ma-exempt ang kanilang “protocol plate number 8″ na ginagamit ng mga kongresista at kapag lumabag ito sa traffic rules ay dapat itong hulihin ng mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group.
Paliwanag ng 2 kongresista, kung makakatulong ito sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila o sa EDSA ay isusuko nila o iwi-waive ang kanilang immunity.
Sinasabing iniisyuhan ang bawat mambabatas ng apat na pares na protocol plates number 8 para lamang sa 4 na sasakyan na dapat ay sila ang gagamit.
By: Jelbert Perdez | Jill Resontoc