Dalawang masuwerteng mananaya ang naging instant millionaire matapos tamaan ang jackpot sa lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola, kagabi.
Mahigit P80 milyong pisong jackpot sa Superlotto 6/49 ang makukubra ng nag-iisang bettor makaraang matumbok ang winning combination na 13-19-04-31-49-20.
Sa hiwalay namang draw ng Lotto 6/42, isa pang mananaya ang tumama rin ng mahigit P80 milyong piso nang masungkit ang combination na 19-05-42-17-22-14.
Samantala, inihayag ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II na kinubra na ng isang 46-anyos na ginang mula sa Las Piñas City ang halos P300 milyong pisong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw noong Sabado.
By Jelbert Perdez