Dalawang manggagawa mula sa mga poultry farm sa San Luis, Pampanga ang ibinukod na at tinututukan ng DOH o Department of Health.
Ito ay matapos na makaranas ang ubo ang isang poultry worker habang lagnat naman ang isa matapos na magkaroon ng direktang malantad sa mga manok.
Paglilinaw naman ni DOH Spokesman Assistant Secretary Eric Tayag na suspected case pa lamang at hindi pa maituturing na positibo sa avian flu virus dahil hindi pa lahat ng sintomas ay nakita sa mga ito.
Dagdag ni Tayag, nakakuha na sila ng sample mula sa dalawa at bukas ay malalaman na nila ang resulta ng dalawang mangagagawa.
Tumanggi naman si Tayag na banggitin ang mga pangalan ng dalawa at kung saang ospital dinala ang mga ito.
Kasabay nito tiniyak ng DOH na nakahanda sila sakaling makapagtala ng kaso ng human transmission ng avian flu sa bansa.
Quezon City Veterinary Office naglibot sa mga pamilihan sa lungsod
Naglibot sa ilang mga pamilihan sa lungsod ang Quezon City Veterinary Office kasunod ng bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.
Kabilang sa mga inispeksyon ng mga tauhan ng Quezon City Veterinary Office ay ang mga tindahan ng mga manok sa Novaliches Market, Mega Qmart, Muñoz Market, Farmers Market at Kamuning Market.
Kanila ring ininspeksyon ang mga lugar ng katayan at ang mga bagong deliver na mga karne at itlog ng manok at itlog ng pugo.
Ayon sa mga tauhan ng Quezon City Veterinary Office naging maganda ang resulta ng kanilang paglilibot kung saan kanilang natiyak na hindi nagmula sa Pampanga ang manok at itlog na inibebenta sa mga malalaking pamilihan sa lungsod.