Dalawang mangingisda ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard matapos palubugin ng ipo-ipo ang sinasakyan nilang bangka sa Maasim, Sarangani.
Ayon sa coast guard, nangyari ang insidente noon pang Hulyo 3 subalit dahil palutang-lutang ang mga lulan ng bangka kaya’t naging pahirapan ang paghahanap sa kanila.
Pero dahil sa maagap na pagkilos ng coast guard sub station sa Maasim sa pakikipag-tulungan ng mga mangingisda, nahanap sina Jolo Sobiano na sakay ng MBCA JIO at Jovanie Aporto ng MBCA HELENA.
Agad dinala ang mga nasagip na mangingisda sa Barangay Tinoto sa nabanggit na bayan para mabigyan ng agarang atensyong medikal at isailalim sa debriefing.