Nawawala ang dalawang mangingisda na kinilalang sina Antonio Bueta, 57 anyos at Jomari Ybañez, 25 anyos na pawang residente ng Barangay Pugon, bayan ng San Francisco, lalawigan ng Quezon.
Ayon sa Municipal Police Officials, isang Neil Khristian Noblejas ang nagtungo sa kanilang tanggapan at iniulat na hindi parin umuuwi ang dalawa simula pa noong nakalipas na Miyerkules.
lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pumalaot sina Ybanez at Bueta, dakong ala-6:00 ng hapon ng Oktubre a-18, lulan ng isang motor banca.
Nagdeploy na ang lokal na pamahalaan ng team upang magsagawa ng search and rescue operation.