Patuloy ang paghahanap ng Philippine Coast Guard sa Dalawang mangingisda sa karagatang sakop ng Pulilio Island sa Quezon.
Nawawala ang mga mangingisdang sina Jun Relampagos at Paquito Katromal nang lumubog ang kanilang bangka matapos tamaan ng buhawi sa laot noong huwebes ng gabi galing Atimonan.
Dalawa sa mga kasamang namalaot nina Relampagos at Katromal ang nasawi.
Nakaligtas naman ang pitong kasama nila nang mapadaan ang isang bangka.
kaugnay nito, nagpalabas na ang Philippine Coast Guard ng notice to mariners upang makatulong din sa paghahanap.
By: Avee Devierte