Nagbitiw sa puwesto ang dalawang mataas na opisyal ng Sweden dahil sa IT Scandal.
Kinilala ang dalawang opisyal na sina Interior Minister Anders Ygeman at Infrastructure Minister Anna Johansson na nadawit sa usaping security breach noong Marso 2015.
Lumalabas sa imbestigasyon na naging accessible sa mga tao ang mga sensitibiong impormasyon kabilang na ang buong registry ng Swedish drivers’ licenses at data sa kontratang pinasok ng dalawang opisyal.
Kaagad namang ini-reshuffle ni Swedish Prime Minister Stefan Lovfen ang kaniyang gabinete matapos ang resignation ng mga nasabing opisyal.
- Judith Estarada – Larino