Sinibak na sa puwesto ang dalawang matataas na opisyal ng pulisya sa lalawigan ng La Union kasunod na rin ng nangyaring pananambang at pagpatay sa kay dating La Union Rep. Eufranio Eriguel.
Ito ang kinumpirma ni PNP Region 2 Director Chief Supt. Romulo Sapitula upang bigyang daan ang isasagawang imbestigasyon ng mga bagong opisyal na hahawak sa dalawang nabakanteng puwesto.
Batay aniya sa natanggap niyang kautusan mula sa PNP headquarters sa Kampo Crame, tinanggal sa puwesto sina La Union Provincial Director S/Supt. Genaro Sapiera at ang Chief of Police ng Agoo PNP na si C/Insp. Alfredo Padilla Jr.
Paliwanag ni Sapitula, posibleng hindi kayang resolbahin ng dalawang nabanggit na pulis na una nang naatasang mamuno sa binuong task force upang pangunahan ang imbestigasyon sa pagpatay kay Eriguel kaya sila sinibak.
Magugunitang nalaglag sa kamay ng batas ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa dating kongresista na si Felizardo Villanueva na kumandidato bilang kapitan ng barangay sa bayan ng Capas sa nasabing lalawigan.