Kinasuhan ng rebelyon sa korte ng DOJ o Department of Justice panel of prosecutors ang dalawang Abu Sayaf medics na una nang inaresto ng mga awtoridad.
Kinilala ang mga respondents na sina Jadzrie Harad Saabdula na isang nurse at Jamal Kalib Jamil na isang mangingisda na kapwa mula sa lalawigan ng sulu.
Magugunitang naaresto ang dalawa matapos bumili ng maramihang suplay ng gamot gaya ng antibiotics, pain reliever at mga post traumatic medicine sa isang botika sa Pagadian City.
Hindi naman ini-aalis ng mga awtoridad ang posibilidad na gamitin para sa mga sugatang miyembro ng Abu Sayaf na kasamang nakikipagbakbakan sa Marawi City ang mga binili nilang gamot.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
2 medic ng Abu Sayaf sinampahan na ng kasong rebelyon was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882