Nasawi ang dalawang menor de edad makaraang sumalpok sa poste ng kuryente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Bonifacio Street, Dumangas, Iloilo.
Ayon sa Dumangas Police, dead on arrival sa ospital ang hindi pinangalanang mga biktima habang nilalapatan naman ng lunas ang kasamahan nila.
Batay sa imbestigasyon, lango sa alak ang mga ito at magkaangkas sa iisang motorsiklo kung saan sa bilis ng takbo ay bumangga sila sa poste.
Dahil dito, muling nagpaalala sa mga motorista ang mga awtoridad na mag-ingat sa pagmamaneho at huwag nang bumiyahe kung inaantok o lasing.