Masisilayan ang dalawang meteor showers sa bansa ngayong buwan.
Ito ay ayon sa astronomical diary ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, magiging aktibo ang Geminid meteor shower simula December 4 hanggang 17 na may peak activity sa December 14.
Habang ang Ursid meteor shower naman ay magiging aktibo simula December 17 hanggang 26 na may peak activity sa December 23.
Pinayuhan PAGASA ang publiko na para masulit ang karanasan sa panonood, pumili ng madilim na viewing area na malayo sa mga ilaw ng lungsod sa ilalim ng maaliwalas at walang buwan na mga kondisyon ng kalangitan. -sa panulat ni Hannah Oledan