Inaprubahan na ng Asian Development Bank (ADB) ang 2 milyong dolyar o mahigit 102 milyong piso na inutang ng Pilipinas.
Ito ay para suportahan ang pagtugon ng bansa sa Covid-19 pandemic at maisaayos ang epektong idinulot ng pananalasa ng bagyong Odette.
Sa inilabas na pahayag ng Manila Based Multilateral Lender, nasa ilalim ng Asia Pacific Disaster Response Fund ang nautang na pondo.
Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng humanitarian assistance sa nasa 15,000 kabahayan o 75,000 indibidwal na naapektuhan ng bagyo sa Visayas at Mindanao.
Habang magkakaroon din ng food vouchers para sa mga target na komunidad at pagbibigay ng logistics support sa food assistance delivery. —sa panulat ni Abby Malanday