Isang kasunduan ang lalagdaan ngayong araw sa pagitan ng gobyerno, pribadong sektor at isang drug manufacturer.
Ito’y kaugnay sa pagbili ng dalawang milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, isang tripartite agreement ang kanilang pipirmahan para makabili ng dalawang milyong doses ng bakuna mula sa British-Swedish pharmaceutical company na AstraZeneca.
Kasabay nito kinilala ni Galvez ang malaking ambag ng pribadong sektor sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan ng mga manggagawa.
Inaasahang makukuha ang bakuna para sa mga Pilipino sa huling bahagi ng 2021 hanggang 2022.