2 milyong pamilyang Pilipino ang nasa waiting list ng cash assistance ng gobyerno na 4Ps.
Ipinaliwanag ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo sa ilang grupo ng mga “galit” na benepisyaryo na nakatakdang tanggalin sa programa na marami pa ring mahihirap na pamilya ang nasa waiting list.
Aniya, paano naman ang dalawang milyong pamilyang nasa listahan na may nag-aaral sa elementarya at high school kung hindi mag-aalis ng ibang benepisyaryo.
Sinabi pa ni Tulfo na mula sa 4.4 milyong pamilya ay 1.3 milyong benepisyaryo ang matatanggal sa 4Ps dahil hindi na kwalipikado ang mga ito o naabot na ang pitong taong pananatili sa ilalim ng programa.
Pero nilinaw rin ng kalihim na hindi agarang aalisin ang mga naturang indibidwal sa listahan kundi bibigyan muna ito ng abiso ilang linggo bago alisin.