Hindi na nailigtas ng mga otoridad ang dalawang (2) minero na nauna nang na-trap nang mag-collapse ang tunnel na kanilang minimina sa Itogon, Benguet.
Matapos ang halos 23 oras ay nailabas na ng otoridad ang labi nina Eddie Latigo, 50 taong gulang at Jonas Isang, 24 na taong gulang.
Dahil dito, muling nanawagan si Benguet Governor Nestor Fongwang sa mga small scale miners, lalo na sa bahagi ng Itogon, na iwasan ang pagpasok sa mga minahan tuwing malakas ang ulan upang maiwasan ang kahalintulad na aksidente.
By Katrina Valle | Rommy Gonzales (North Luzon Patrol)