Arestado ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf group sa magkahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation o NBI sa Zamboanga City.
Inaresto sina Harub Jal-Jalis alyas ‘Indal’ at Pinky Ani Hadjinulla sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Basilan Regional Trial Court dahil sa golden harvest kidnapping noong 2001.
Ayon kay NBI Assistant Director for Intelligence Service Eric Distor, pinaniniwalaang miyembro ang dalawa ng ASG-urban terrorist group na nakabase sa Zamboanga City.
Batay naman sa impormasyon mula sa anti-terrorism division ng NBI, gumagawa ng bomba si Jaljalis para sa radullan sahiron faction ng ASG.