Isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf ang arestado habang dalawang (2) iba pa ang patay sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Basilan.
Ito’y makaraang isilbi ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang arrest warrant laban kay Haji Hassan na nahaharap sa kasong arson.
Bagama’t arestado si Hassan, nasawi naman ang dalawang kasamahan nito makaraang manlaban habang napag-alamang may isa pa itong kasamahan na nasugatan sa engkuwentro.
Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa panig ng mga awtoridad habang isinasailalim sa interogasyon si Hassan.
By Jaymark Dagala