Dalawang (2) miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko sa militar sa Basilan kahapon.
Batay sa ulat, inanunsyo ng Philippine National Police o PNP sa Basilan ang pagsuko ng dalawang indibiduwal na hindi muna pinangalanan sa 74th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Macalang Al-Barka, Basilan.
Nabatid na residente ng Barangay Baguindan sa Tipo-Tipo ang isang 38-anyos na miyembro ng nasabing rebeldeng grupo samantalang 22-anyos naman ang isa pang sumuko na taga-barangay Danapah sa Al-Barka.
Kasabay nito kanila ring isinuko ang dalawang matataas na kalibre ng armas.
—-