Nalaglag sa kamay ng militar ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf na dagdag sa bilang ng mga sumukong bandido sa lalawigan ng Sulu.
Kinilala ang dalawang panibagong mga sumuko na sina Amin Asjad Ismula at Aldissar Bara Jurrani.
Ayon kay Lt. General Carlito Galvez , hepe ng Western Mindanao Command , direktang sumuko ang nabanggit na dalawang Abu Sayyaf member sa tropa ng 4th Special Forces Company sa barangay Kanaway sa bayan ng Parang sa Sulu.
Nabatid pa ng militar na si Ismula ay tauhan ng napatay na si Abu Sayyaf Sub-Leader Alhabsy Misaya habang si Jurrani naman ay tauhan ni Abu Sayyaf Sub-Leader Magdal Jumdail na pawang mga naka base sa Sulu.
Matatandaang nuong nakaraang linggo ay sumuko din ang isa pang miyembro ng Abu Sayyaf na kinilalang si Persing Abdurasid.