Sumuko sa mga otoridad ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute ISIS terorist sa Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur.
Kinilala ang dalawang surenderres na sina Mubartak Dimasangkay Bassit at Alinok Muntik.
Ayon kay Lt. Col. Noel Ignes, Commanding Officer ng 55th Infantry Battalion, si Bassit at muntik ay kabilang sa mga sumalakay sa Barangay Pantar detachment sa Lumbatan nuong kasagsagan ng Marawi Siege bilang diversionary tactics habang nakikipaglaban ang Maute sa loob ng main battle area.
Kasabay umanong sinuko ng dalawa ang isang kalibre singkwenta na baril at garand rifle.
Nitong buwan lamang ng Oktubre umabot na sa 10 miyembro ng Maute ang sumuko sa Joint Task Force Ranao.