PATAY ang dalawang miyembro ng isang armadong grupo matapos umanong manlaban sa mga awtoridad nang silbihan ng warrant of arrest sa Barangay Bugasan Sur sa Matanog, Maguindanao province.
Kinilala ni Marine Battalion Landing Team-5 commander Maj. Melchor Gonzaludo ang mga napatay na suspek na sina Norodin Guimad at Puti Sumanday.
Sisilbihan sana ng warrant of arrest si Guimad dahil sa mga kasong murder at frustrated murder na kinakaharap nito.
Ngunit sa halip na sumuko ay nagpaputok umano si Guimad kaya’t napilitang gumanti ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.
Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M-16 Armalite rifle, isang caliber .45 pistol, bandolier, ammunition, drug paraphernalia, at iba pang ebidensya.