Sumuko sa mga otoridad ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiya o Maute group sa 49th Infantry Battalion sa Masiu, Lanao del Sur.
Kinilala ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) ang mga sumukong rebelde na sina Camar Gampong Musa at Nasroding Comayog Patiilan na nag suko rin ng kanilang mga armas.
Sumuko rin ang dalawa sa supporters ng grupo na sina Badroding Gampong Patiilan at Pacalinog Patiilan Comayog.
Natutuwa naman ang mga otoridad sa pagsuko ng Maute members na bunga anila ng walang humpay na pagta trabaho ng intelligence units.