Nahuli ng mga kawani ng Philippine Army ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Iriga City, kaninang alas-5:10 ng umaga.
Ayon kay Capt. Marjorie Panesa, Hepe ng Public Affairs Division ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, ito ay matapos maka-engkwentro ng mga kawani ng 33rd Infantry Battalion ang hindi pa matiyak na bilang ng mga rebelde.
Nakuha mula sa dalawa ang dalawang baby armalight at M-203 grenade launcher.
By Katrina Valle | Mar Baroga (Iriga Correspondent)