Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army o NPA at apat na iba pa ang sugatan sa ikinasang air to ground assault ng militar sa North Cotabato.
Ayon sa 901st Brigade ng Philippine Army, rumesponde lamang sila sa report na mayroong nagpupulong na mga rebelde sa ilalim ng Guerilla Front Committee 72 sa Sitio New Alemodian sa barangay Banayal sa bayan ng Tulunan.
Nagtipon umano ang mga rebelde para magpakuha ng litrato bilang patunay na malakas pa rin ang kanilang puwersa at impluwensya sa taumbayan.
Sinasabing nag-martsa ang mga rebelde at nagsagawa ng tatlong beses na seremonya ng kasal sa kanilang mga tauhan.
Nagpaplano rin umano ang mga rebelde nang pagsalakay sa mga kampo ng militar.
—-