Dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa Upper Suyan, Malapatan, Sarangani Province.
Ayon sa 73rd Infantry Brigade at 1002nd Brigade, nakilala ang dalawa na sina Hermes Tuco, 20-anyos, at Sabes Tumbo, 35-anyos, kapwa kasapi ng NPA Guerilla Front 71.
Kasama rin nilang isinuko ang kanilang M-16 rifle.
Halos wala na umanong makain ang mga rebelde habang nagtatago sa batas at takot na mapaslang sa engkwentro.
Una nang sumuko ang vice leader ng Guerilla Front 71 ng platoon north na si Simeon Miguel habang nagbalik-loob na rin sa gobyerno ang lider ng Far South Mindanao na si “Ka Efren.”
Lahat ng mga sumusukong miyembro ng NPA ay isinasailalim sa comprehensive local integration program.
—-